Close  

Streamer Sundays: Buunja, Rumble Royale’s Own Bunny Girl

12:00 PM October 04, 2020
*/?>

You’ll see her on stream with her signature bunny ears and playful demeanor – it’s Buunja! 

Known for her League of Legends cosplays back in the day, Buunja has gotten herself a following by streaming Rules of Survival and League of Legends since 2018. Buunja plays everything from CS:GO, Mobile Legends: Bang Bang, and even Worm Zone! 

We caught up with the rising talent from Rumble Royale and checked in on how she’s doing in Esport Inquirer’s feature series Streamer Sundays.

ADVERTISEMENT

First things first, how are you doing these days?

FEATURED STORIES

“Lately, siyempre super nag-aalala ako kasi yung family ko, most of them nurse, o kaya naman siyempre may mga business yung iba, kaya nag-aalala rin ako. Pero, so far kung regarding sa streaming, nag-eenjoy ako kasi, lately, siyempre lahat nasa bahay, mas maraming nanonood, mas maraming nakakakita ng ginagawa ko, mas maraming na-eentertain, and mas marami akong nakikilalang iba pang tao.” 

You’re known for your gameplay on Rules of Survival and League of Legends. Can you tell me about how you started streaming and do you still play these titles today?

 “…[D]ati, nag ccosplay palang ako…kasi mahilig kasi ako sa anime. Then, one time, nung sobrang pumatok talaga yung cosplay ko, nilapitan ako ng Rumble Royal and inask nila ako if gusto ko mag stream for Facebook. Ay edi siyempre gulat ako, hala may, may ganun pala kasi diba parang dati sa Pilipinas…onti palang [nagstrstream]. Sina Gloco palang, Riku, Suzzysaur…pero ngayon talagang madami na.” 

“So, ayun nag start ako naglaro, yun nga LoL, kasi dun ako sumikat sa cosplay na yon, kaya dun ako nagpalaki ng community, then nung medyo umoonti na yung viewers ko, naisip ko na mag RoS naman.”

[pullquote]“Kasi, para kasi sa’kin bilang isang streamer, ‘dun ka sa game na kung saan, na he-help ka mag grow.”[/pullquote]

“Nung napunta naman ako sa RoS, marami akong mga nasalihan na tournaments, nag sh-shoutcast ako…nag co-collab rin ako kasama yung mga ibang RoS streamer which is really nice. Kaso lately kasi, ah diba nagkaroon nga ng Pandemic, yung audience kasi ng RoS is puro bata siyempre comp shop yan, and siyempre yung mga bata na yun hindi na makaka nood ngayon sakin kasi, eh siyempre wala naman silang phone, o kaya hanggang comp shop sila, and sarado yung mga comp shop ngayon so bagsak talaga yung views pagdating sa RoS.”

Buunja continued, “So naisip kong mag iba’t-ibang games nalang… kung ano yung patok, like ML, nag Wo-worm Zone ako kasi lately yung mga magulang nasa bahay, maraming makaka relate o kaya naman yung mga usong game na patok ngayon tulad ng VALORANT.”

What inspired you to start cosplaying?

“Nag start [ako mag-cosplay] nung fourth year highschool ako. Typical Otaku lang ako tapos may nag-aya na friend ko, “Gusto mo bang mag cosplay?”. Sabi ko “Ano yun? Ano yung ginagawa dun?”, Tapos parang, ang gagawin is yun nga, parang irreperesent mo yung character na gusto mo. Nung na experience ko yung cosplay, super, super saya, kasi super ganda ng community, kahit, kahit alam mo yun, kahit ganun kaganda cosplay mo, maaaccept ka nila kasi… sa society ng cosplay, kung ano man yung body mo, hindi mo man siya kamukha, basta yung na rrepresent mo yung character mo, may mga taong nakaka appreciate. Dahil dun, tumaas yung self-confidence ko, nagkaroon ako ng maraming friends, na kung saan mahilig rin sa mga ginagawa ko, and ayun, it’s really nice.

Taiga from the the comedy anime Toradora (2008)

When asked about the first character she cosplayed as, Buunja mentioned that she dressed up as Taiga from Toradora. 

You mentioned that you play a lot of Worms Zone during your stream. Who suggested the game to you and what do you find so exciting about the game?

“Nung una kasi…kapag mga streamers, dun sila sa mga action like ML and naisip ko, habang yung may COVID ngayon, nasan ba mostly yung mga families? Diba nasa bahay, and hindi naman lahat ng mga magulang, eh nakakaintidi kung ano yung nangyayari sa ML o…RoS. So naisip ko na mag worm zone, and hindi lang yun yung dahilan kung bakit nagustuhan ko siya, nagustuhan ko siya kasi nakakatanong tanong ako or mas nakakapag kwentuhan ako sa mga viewers ko, mas na eentertain ko sila.”

Buunja further explained saying she always prepares a question of the day for her viewers.

“For example, today, Ano yung mga hobbies niyo?, o kaya naman bukas, O kamusta naman yung mga lovelife niyo?, tas ayun hanggang sa nakikipagkwentuhan nalang ako and yun tuloy-tuloy yung storya, Kahit ako na eentertain rin ako sa mga naco-comment nila.”

What do you do to cool down after a long day of streaming? Do you watch movies? Exercise? Meditate?

“Minsan, kapag kunyaring stress na stress na stress talaga ako…nag me-meditate ako, tapos iniisip ko ano yung best way kung pano ko ma-iimprove yung stream ko bukas, ganon. O kaya naman kapag masaya ako, mas pinipili ko nalang na makipag-bonding sa kapatid ko and sa mom ko, Nanunuod kami ng movie, o kaya naman minsan after ng stream, may groupchat ako kasi para sa mga supporters ko, nakikipag-chikahan ako sa kanila.”

Since we are in the middle of a pandemic right now, do you spend more time with your family? What do you do to keep yourself calm amidst the quarantine?

“Mm-hm, and para sakin, mas…napalapit ako sa koneksyon ko sa kapatid ko and sa mom ko.”

“Hmm, yung number one na ginagawa ko is siyempre pray, and yun nga pangalawa naman na ginagawa is mag reflect sa mga nagagawa ko araw-araw, and, minsan nanunuod ako sa YouTube kung  paanong mag-meditate. Minsan kapag bored ako naghahanap naman ako ng mga quotes na talagang ma-iinspire ako and idididikit ko siya sa pader ko, at para pag na ii-stress ako, yun, lagi ko yun tinitignan.”

What do you miss the most from pre-quarantine life?

Funnily enough, esports pros and streamers all seem to agree about missing Korean barebecue with friends with Bunjaa expressing how much she misses samgyupsal.

[pullquote]“Siyempre namiss ko number one, ano, Samgyupsal”[/pullquote]

“Yung mga ganiyan, kain kain…tapos, mostly mga restaurants ngayon diba mga sarado ganun and siguro pinaka nami-miss ko rin yung mga friends ko kasi, hindi ko na sila nakita. Lately kasi parang may plano kami, mag Enchanted ng mga supporters ko kaso nga hindi na tuloy, siyempre nakaka-miss din sila. And, pagsisimba, kasi iba pa rin talaga yung magsisimba ka sa ano eh– sa actual na simbahan talaga, kesa sa online.”

What plans do you have for the future? Are you pursuing streaming full time? Are you going to continue your education

[pullquote]“Actually, yung balak ko lang sa streaming is mga two years lang, ganyan, or three years.”[/pullquote]

Buunja relayed that she wants to go back to her work in IT after streaming saying, “So once na natapos ko na yung streaming, gusto ko naman ituloy yung pag I-IT. Kasi, ano eh nag e-enjoy rin talaga ako sa pag I-IT ko. Ang sad thing lang is hindi ko talaga kaya ipagsabay yung streaming sa pag tratrabaho kahit, anong gawin ko. Mahirap talaga, as in, talang mahirap. So ayun balak ko after ko mag stream is mag-mamasteral ako then mag wo-work, bilang QA o kaya naman programmer sa isang company. Ayun, siguro kung, ma-mimiss ko ulit yung pag ii-stream, babalik balik ako paminsan minsan, ganun.”

Buunja graduated with a degree in BS IT in Don Bosco Technical College, Mandaluyong.

Do you have any personal goals for the future, for your work and your streaming career?

“Yun yung parang pinaka goal ko, yung as in talagang makapag-buo ako ng sarili kong brand, and makapag-inspire ng ibang tao. Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin kung ano yung game na mag ii-stick ako, and yun yung hindi ko pa alam ngayon.”

“Talagang go with the flow lang talaga ako sa mga games kung ano yung lalaruin ko. Kung regarding naman sa future kung ano yung goal ko, siguro yun yung makapag travel, kasi masaya talaga mag-travel sa beach o kaya sa iba’t ibang location kasi first time ko lang.”

You’ve been playing a lot of  VALORANT recently, what do you think of the new game so far?

“Sa VALORANT? Super saya niya talaga.”

[pullquote]”Para kasi sa’kin para siyang pinaghalong Paladins na Fortnite na CS:GO, parang ganun yung nangyayari.”[/pullquote]

“So far ngayon, inaaral ko pa yung mga ibang champs, kasi like hindi ko pa nakukuha yung iba eh tulad ni Killjoy. Ayun, yun yung pinaka…ina-addict ko kasi masaya talaga siya. Alam mo yun kahit parang tipong kahit onti nalang minsan yung viewers mo, parang hindi mo talaga maiisip eh kasi nae-enjoy mo yung laro.” 

How would you compare Mobile Legends: Bang Bang to Wild Rift? Since you were a part of the Alpha test.

“Ay sobrang malayong malayo talaga, oh my gosh”, said Buunja as she lets out a laugh. 

“Sobrang malayo talaga, ang ganda talaga nung Wild Rift wala talaga akong masabi, hindi pay to win yung skin char. Kasi ako talaga, nag-umpisa talaga ako sa LoL kaya nung lumabas talaga yung Wild Rift talagang ang hype talaga. Iba yung ramdam kapag nilaro mo siya eh, sobrang enjoy talaga.”

Weighing in on the debate between Mobile Legends: Bang Bang and the upcoming mobile game League of Legends: Wild Rift, Buunja said that ““Yung pinaka pinagkaiba nila yung strategy…Sa graphics of course mas maganda parin yung Wild Rift.” 

She added, “Once na lumabas talaga yung Wild Rift, tingin ko talaga mostly na mga ML players lilipat dun eh. Opinion ko lang yun ah kasi. Masaya talaga siya laruin eh.”

“Tsaka ano mabilis lang, hindi masakit sa batok yung game. Kunyari rank ka…hindi ganun katagal, kumbaga talo kayo, parang hindi ka masyado butthurt,  “Okay, sige next game nalang ulit”, ganon. Unlike kapag LoL umabot talaga ng 40 minutes, 40 to 50 minutes, ano ba yan minsan one hour pa nga.”

Buunja continued her thoughts on why Wild Rift will be a hit when it comes out saying, “Tsaka, feel ko talaga maraming makaka-enjoy nito, kase sa tingin ko, mostly naman kasi talaga na mga League players siyempre, busy lalo na sa panahon ngayon, yung iba siyempre, may mga anak na, o kaya yung naman iba may mga work. 

“So yung Wild Rift is, parang iba talaga yung dating niya, and for sure yung mga parents diyan, o kaya naman yung mga ibang, gamer na fan, talaga i-trtry tong game.” 

What are the challenges that you face being in the streaming space?

“Siguro yung number one challenge is kung pano mo ma ha-handle yung negativity and kritisismo ng mga nag-cocomment sayo. Kasi minsan kasi may mga comment talagang mga hindi mo naman talaga ma-cocontrol. May mga iba namang, comment na pwede mong gamitin para sa sarili mong improvement. So sa stream ko naman, tinatangkilik ko naman yung mga criticism, minsan naman kapag kunyari may mga negative, tinatanong ko sila, “Bakit mo nasabi yun?”, o kaya naman kung, “Pano nila nasabi yun?”, ganon.

[pullquote]Kasi minsan yung mga haters pwede mo ring gawin fans mo eh. Minsan yung iba dun nag papapansin lang.[/pullquote]

Buunja gave her thoughts on Facebook as a streaming platform and the difficulties of being a partner saying, “Yung number two kong challenge siguro is yung burn out, kase sa Facebook kasi ngayon, ang dami talang problem, number one is bugs. Bilang facebook partner, para samin hassle yun kasi, hindi na aayos, and siyempre apektado yung views namin, kapag apektado yung views, maaari kaming matanggal as partner. So yun yung pinaka nakaka-stress out ngayon kasi siyempre parang naiisip nalang ng mga streamers lately ay numbers, kailangan ko makuha to, ay kailangan kong makuha yung ganitong views. Hindi na namin na-eenjoy, kasi may kailangan certain views kaming ma-reach.” 

A part of the troubles the streamer faces regularly is sexual harassment. “So ayon, and number three na challenge para sa’ken is yung mga sexual harrasment na natatanggap ko sa pag, i-sstream, kasi minsan may mga tao talagang kapag nag-cocomment, talagang below the belt, hindi mo alam kung pano mo i-tatake, and kahit naman maayos talaga  naman pananamit mo, naka tshirt ako palagi, may mga bastos talagang iba eh.”

“Kahit ano pa man, ano pa man suot mo, mapa sexy man ni Ann Mateo, o mapa conservative man ni miss Alodia, dapat, lahat talaga ng mga tao nirerespeto, at hindi dapat ginagawang norm yun. Ang pinaka problem kasi mga Filipino nowadays is, porket na mostly ng hate nandudun sa tao, sabihin nating, uso na binabastos siya, ganon, eh makiki-sakay na rin. Mostly yun nakikita ko ngayon eh. And, siyempre, hindi maganda yun kasi, kahit sabihin natin sikat pa yan, na, ganiyang tao na yan, nag-babasa yan ng comments. Kahit papano alam ko, nasasaktan rin yan sa mga nababasa nila. And, lately, may mga issues ren, ng mga streamers na nag su-suicide. And I think isa rin yun sa mga harassments na dahilan dun sa mga suicide nila, so, ayun.”

“Siguro yung pang-apat na pinaka challenge sa’kin is pano ko mababalance yung healthy lifestyle sa pag ii-stream kasi kung mapapansin mo talagang lately lagi na’kong eight hours. So far, kahit naman may mga ganitong challenges, natutuwa pa rin naman ako, kasi kahit papano na o-overcome ko and nandidiyan yung mga family and friends ko para suportahan ako.“

As a woman in the scene, what do you have to say regarding the rising movement of victims finally speaking out against their harassers within the esports industry?

“Yeah, so far nga super nakakatuwa rin kasi yung mga babae eh parang natututo silang mag voice out, kasi, mostly kasi na mga, nahihiya, o natatakot, majudge, once na mag voice out sila, kaya yung nangyayari ngayon na makakapag voice out yung mga babae, is really good for me no? 

[pullquote]Masakit eh, kasi parang, kahit anong suotin mo, bilang babae, kahit, diba minsan sabihin nila, Ay kahit pananamit mong yan, kita cleavage mo, Ganyan, ganyan, and Kita ganito mo, Kaya may karapatan kaming bastusin ka. Pero hindi ganun yun eh, alam mo yon.[/pullquote]

“Ito yung pinaka toxic na ugali ng mga Pinoy. Minsan kasi, may mga taong malakas talaga maging hipokrito eh. Yung parang sasabihin nila sa, timeline nila, Respect, respect, pero kapag, alam naman nilang sa ibang tao, bigla nilang babastusin. Pag dating sa esports, talagang mahirap talaga yung pagiging babae and siyempre sa lalaki din, kasi sabihin natin kay Alden, imposibleng wala siyang natatanggap na sexual harassment din noh, for sure meron din.”

To end the interview, do you have advice to give out for your viewers?

“Ayon, pinaka message ko, of course sa viewers ko and supporters ko is maraming maraming salamat dahil siyempre, kung hindi dahil sa inyo, eh wala ako ngayon dito, Kung ano yung goals niyo, siyempre motivate niyo lang palagi sarili niyo, wag kayong magpapa-down sa ibang tao, and wag kayong susuko, kasi siyempre marami kayong pangarap.”

Tune in to the next feature of Streamer Sundays coming in the following weeks.

The article and Buunja’s statements were edited for the purpose of clarity. The interview with Buunja was held in early August.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS: Buunja, Cosplay, facebook, rules of survival, streaming
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved